Sarap Mamasyal sa mga kabundukan lalo na kapag nakakakita ka ng maraming malalaking mga puno at malalaking bundok. . .parang ang hirap akyatin pero pagnakarating ka sobrang kaligayahan ang iyong mararamdaman dahil nagawa mo ang isang bagay na minsan ng kinatakutan mo.
Isang beses napaisip ako pano nag umpisa ung mga malalaking puno na yan? san ba sila nag umpisa? ung mga bundok ba malalaking mundok na ba yan simula pa nung umpisa? hays. . .
Biglang pumasok sa isip ko na malamang hindi, kasi ang puno nagsimula sa buto, ang mga bundok nagsimula sa alikabok at maliliit na bato at ang mga hayop pati tayong mga tao ay nagsimula din sa pagiging mga Baby , di ba? Ibig sabihin pala lahat ng bagay dito sa mundo ay nagsimula sa maliit o pati nga mga ulap magsisimula sa maliliit hangang magsasamasama at makabuo ng malaking ulap. so ganun pala para may pattern na. . kailangan muna dumaan sa maliit bago maging malaki .
Eh pano naman kaya pagdating sa pag iisip? may ganitong sistema din kaya? maliit muna bago malaki? wehh?
help me to know the best idea para dito. . Agree?